Rubiks Cube for dummies

Friday, April 18, 2008

Posted by redbaks at 8:08 pm | permalink | comments[32]

Babae, Barkada at ang kung papaanong magpaliwanag kung bakit ka late

Tuesday, December 4, 2007

Ito ang aking nth attempt para umpisahan muli ang blog na ito. Sinubukan kong gawing english ito para mas maraming tao ang makabasa pero nalaman ko na hindi pala english ang pinakasikat na language sa buong mundo, kundi mandarin chinese. Pero hindi nman ako marunong mag-chinese at hindi rin ako magaling mag-english kaya balik ako sa aking native tounge.

Anyway, may nag-comment sa isa aking inactive blog at nanghihingi siya ng payo. Itago n lang natin syang sa pangalang agimonster. Ito ang kanyang comment:

dear redbaks,
d comment to, gusto ko lang humingi ng payo, alam ko kasi magaling ka magsulat, articulate at kakaiba ideas mo. so bro kailangan ko creativity mo para magbigay ng excuse sa aking abscences. total wreck na ang attendance ko sa klase kong yun, sunod2 pa ang late ko. nagkaroon na kami ng written agreement ng prof ko na d na ako maglalate pero nadale ko dahil pumarty ako at napaabsent 2loy ako sa klase.d naman sobrang laki ng problema ko kasi d naman nakakamatay kung bumagsak ka sa isang subject, pero sayang tuition at yung crush kong chick sa klase na yun d ko pa nakakausap. so bro ikaw na bhala kung gusto mo mag reply, kailangan ko reply mo bago mag tuesday dec.4-tnx

Dear agimonster;

Naawa ako sa iyo kasi, una, sira yata ang keyboard na gamit mo at walang <Shift> key o <CapsLock>. Mukhang hindi na itinuturo ngayon sa mga eskuwelahan ang tamang paggamit ng keyboard o ang tamang pag-spell. Pangalawa, ay late na ang aking post since Dec 4 na ngayon at malamang ay dinadanas mo na ang consequences ng iyong mga ginawa. Pero dahil sa gusto kong mag-post ay wala kang magagawa kasi blog ko ito.

Sa buhay ng tao ay matagal nang napatunayan na hindi magandang kumbinasyon ang pag-aaral, paglalakwatsa at panchi-chicks. Marami na ang sumubok at lahat sila nabigo. Parang coup attempt ni Trillanes lang yan. Kapag pinagsama-sama mo ang tatlong iyan ay para ka na ring naghanda sa birthday mo ng cake, lugaw at nilagang suso. Hindi masarap di ba.

(more…)

Posted by redbaks at 12:43 pm | permalink | comments[55]

     

February 2012
M T W T F S S
« Apr    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
272829  

Monthly Archives

Sponsored Links

Recent Readers

Message Board

Sky High:

I think the cult excuse will work the best.

dawn:

hey guys nice blog…
here’s my blog too..just visit it…
http://anime.i.ph/
tnx

iphone_rdbx:

test from iphoney

Leave a message ▼