Babae, Barkada at ang kung papaanong magpaliwanag kung bakit ka late

Tuesday, December 4, 2007

Ito ang aking nth attempt para umpisahan muli ang blog na ito. Sinubukan kong gawing english ito para mas maraming tao ang makabasa pero nalaman ko na hindi pala english ang pinakasikat na language sa buong mundo, kundi mandarin chinese. Pero hindi nman ako marunong mag-chinese at hindi rin ako magaling mag-english kaya balik ako sa aking native tounge.

Anyway, may nag-comment sa isa aking inactive blog at nanghihingi siya ng payo. Itago n lang natin syang sa pangalang agimonster. Ito ang kanyang comment:

dear redbaks,
d comment to, gusto ko lang humingi ng payo, alam ko kasi magaling ka magsulat, articulate at kakaiba ideas mo. so bro kailangan ko creativity mo para magbigay ng excuse sa aking abscences. total wreck na ang attendance ko sa klase kong yun, sunod2 pa ang late ko. nagkaroon na kami ng written agreement ng prof ko na d na ako maglalate pero nadale ko dahil pumarty ako at napaabsent 2loy ako sa klase.d naman sobrang laki ng problema ko kasi d naman nakakamatay kung bumagsak ka sa isang subject, pero sayang tuition at yung crush kong chick sa klase na yun d ko pa nakakausap. so bro ikaw na bhala kung gusto mo mag reply, kailangan ko reply mo bago mag tuesday dec.4-tnx

Dear agimonster;

Naawa ako sa iyo kasi, una, sira yata ang keyboard na gamit mo at walang <Shift> key o <CapsLock>. Mukhang hindi na itinuturo ngayon sa mga eskuwelahan ang tamang paggamit ng keyboard o ang tamang pag-spell. Pangalawa, ay late na ang aking post since Dec 4 na ngayon at malamang ay dinadanas mo na ang consequences ng iyong mga ginawa. Pero dahil sa gusto kong mag-post ay wala kang magagawa kasi blog ko ito.

Sa buhay ng tao ay matagal nang napatunayan na hindi magandang kumbinasyon ang pag-aaral, paglalakwatsa at panchi-chicks. Marami na ang sumubok at lahat sila nabigo. Parang coup attempt ni Trillanes lang yan. Kapag pinagsama-sama mo ang tatlong iyan ay para ka na ring naghanda sa birthday mo ng cake, lugaw at nilagang suso. Hindi masarap di ba.

Since naka-pangako ka na sa prof mo at ito'y iyong hindi natupad, medyo malabo na ang chance mo. Hindi naman sa pagiging pessimistic, pero kung ako sa iyo ay ihahanda ko na ang sarili ko para next sem at sisiguruhin ko na hindi na siya ang magiging prof. Simple. Pero kung nanghihinayang ka naman sa pagod, hirap at salapi tulad ni Andrew E, ito ang mga maaari mong gawin:

  • Kung bading ang prof mo ay madali yan. Alam mo na ang gagawin.
    Maaari ka pang kumita at pwede mo pang gawing part time job.
    At habangbuhay ka nang uusigin ng iyong budhi at magiging mababa ang tingin mo sa sarili mo at lalo kang malulong sa bisyo at magiging walang kwenta na ang buhay mo kaya magpapakamatay ka na lang. Pero atleast pasado ka naman.
  • Sabihin mo sa prof mo na lumipat ka na ng relihiyon at napasama ka na sa kulto. At ang itinuturo nyang subject ay bawal sa bago mong paniniwala kasi alam mong hindi lang basta may pwet ang diyos nyo at may burikak pa. Yung burikak ang tawag sa buhok na matatagpuan sa puwet.
  • Sabihin mo sa prof mo na may phobia kang pumasok ng maaga dahil sa kasabihang "The early bird catches the early worm". Tingin mo kse sa sarili mo ay isa kang bulate.
  • Sabihin mo na tumama ka sa lotto nung araw na iyon. At naubos ang buong araw mo para pumila sa PCSO at i-claim ung premyo. Tapos naalala mo na sa panaginip ka lang pala nanalo.
  • Tinawagan ka ni Trillanes na magkita kayo at gusto nya raw malaman kung bakit kayo nag-break at gustong makipagbalikan. Magkita daw kyo sa Pen Hotel sa Makati dahil dun daw kyo unang nag-honeymoon. Sinabi mong ayaw mo na sa kanya at mag-usap na lng kayo pag hindi na si GMA ang presidente. At sinabi mo ring magsama na sila nung boypren nyang laging naka-wig. 

Ito yung mga dahilan na hindi mo pupwedeng gamitin:

  • Habang naglalakad eh nakita ka ni Paulo Bediones at bigla kang hinot-oil. Una di ka naman babae at pangalawa, matagal nang tapos yung promo na yun. 90s pa.
  • Lahat ng dahilan na may kinalaman sa trapik. Kahit totoo pa.
  • Lahat ng dahilan na may kinalaman sa alien. O yung mga kamukha ni Allan K.
  • Lahat ng dahilan na may kinalaman kay Willie Revillame. 

Iyong problema mo sa chicks, wag mong problemahin kse problema lang yan. Isipin mo, kapag nanliligaw ka pa lang, problema na. Kapag sinagot ka at kayo na, magpapasundo na sayo palagi at magpapabili ng kung ano ano tapos magreregalo ka pa every monthsary at kailangan mo pang tandaan lahat ng mga importanteng dates tulad ng lahat ng birthday ng pamilya nila at lahat ng mga inaanak nya at pati birthday ng aso. Problema pa rin. Kapag nag-asawa na kayo, kailangang gumastos at magsuot ng barong tagalog at magpa-cater sa isang hotel na ang matitikman mo lang ay ang kaka-prasong cake na isinubo pa syo. Mas lalong dadami pa ang problema mo kapag nag-umpisa ka ng magkaroon ng anak. Tsk.

 

Ayan, sana medyo nalinawan ka na ngayon. Kahit na alam kong hindi mo na magagamit kasi late na. Pero ok lang yun, pinoy naman tayo. Sanayan lang yan. 

Posted by redbaks at 12:43 pm | permalink

Previous Comments

astig ka talga! tumindig ung mga burikak ko.haha.

Posted by jiroh at December 18, 2007, 10:21 pm

dear redbaks,(may comment ako sa dulo)

tanggap ko na ang kapalaran ko,tama sanayan lang yan, ang mahirap mag tetwenty seven na ako sa january pero nag p-pe pa din ako, pero salamat sa payo at ideas mo, at ang analogy mo tungkol sa “kombinasyon ng chiks,lakwatcha at pag-aaral ay parang naghanda ka ng cake, lugaw at nilagang suso” no comment na lang ako dun. tnx-akagimonster

Posted by akagimonster at December 22, 2007, 2:48 am

mahal kong bryan, alam kong matagal na akong di pumapasyal sa pwesto mo, dahil din kasi mejo matagal akong nawala sa mundo. nakidnap kasi ako ng mga alien galing ng neptune, pinipilit akong sabihin sa kanila kung ano na ang nangyari sa blog mo … e di syempre hindi ako tumuga … kaya safe ka pa rin, i think …

Posted by bambit at December 26, 2007, 9:30 am

haha…
galing talaga. halos mahulog ako sa upuan sa kakatawa.

Posted by piebuko at February 3, 2008, 2:09 am

I think the cult excuse will work best. No one wants to fight religion, especially thinkers. It’s the modern affirmative action.

Posted by Sky High at March 17, 2009, 11:27 am

I loved the editorial.It is very interesting.Thank you for the information.

Posted by GHD straighteners at July 11, 2010, 3:32 pm

I am always searching online for articles that can help me get further ahead. Thanks a million!

Posted by NFL jerseys at July 11, 2010, 3:33 pm

Thanks for this! I’ve been looking all over the internet for it.

Posted by MBTshoes at July 11, 2010, 3:35 pm

Great thanks for sharing this article post.

Posted by UGG boots at July 11, 2010, 3:35 pm

Add a comment








     

December 2007
M T W T F S S
    Apr »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Monthly Archives

Recent Readers

Message Board

Sky High:

I think the cult excuse will work the best.

dawn:

hey guys nice blog…
here’s my blog too..just visit it…
http://anime.i.ph/
tnx

iphone_rdbx:

test from iphoney

Leave a message ▼